Sa kawalan nang magawa heto na naman ako at magtatangkang sumulat ng komposisyon na buong Tagalog na salita lamang ang aking gagamitin. (Subrang hirap pala! Para akong nasa elementarya na nahihirapan maghanap ng tamang salitang gagamitin). Para sa isang taong hindi sanay gumamit o magisip sa wikang Tagalog, mahirap ang gumawa ng artikulo, mapapadugo ang ilong mo sa kakaisip ng mga katagang gagamitin. (At ayan, naguumpisa na akong mahilo!)
Naisip ko nga, mahigit isang taon na akong namamalagi dito sa lungsod ng Maynila, ngunit napapatigil pa rin ako at napapaisip sa tuwing naririnig ko ang mga taong nagsasalita sa wikang Tagalog. Bakit ba?! (Sa isip ko) Nag tatagalog sila?! Sa probinsya (Iloilo) kung saan ako nanggaling, lumaki at nagkaisip, pagnag-tagalog mahahalatng bagong salta ka at mapapamangha sa iyo ang mga tao na my halong inggit. (Sheeez! Nakakatawang isipin pero totoo).
Nakakatorete! Naguumpisa pa nga lang ako, iniisip ko na kung paano tatapusin ito. (Aray naku! Di ko alam kung papano). Nalipasan na ako ng Pasko, heto at hindi pa rin matapos ang inumpisahan ko na para namang ewan. (Grrr! Hindi talaga ako maasahan pagdating sa paggamit ng wikang Tagalog!) Makapag Youtube na nga at ng may magawang matino!
READ ON
follow my musings..
just for the heck of it! XD
just for the heck of it! XD
tweetz!
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment